Garry and Joy Bonifacio Success Story
Garry and Joy Bonifacio are residents of Barangay Manibong, Urbiztondo, Pangasinan. In search for valiving, the young couple, with their first baby, relocated to Manila where Garry worked in a convenience store. There the family experienced the hardship of living to what a single minimum wage earner can provide. A year after, they decided to return to their hometown where Garry found another job in a meat shop. Joy was allowed by her auntie to sell in her vacant store. There she started selling small number of chichiria until she was introduced to RSPI. Joy was able to loan P5,000 on July 5, 2013 with other co-members. She used the amount she borrowed to purchase additional items such as soft drinks, canned goods and the like. On her second loan cycle, she borrowed P8,000 and invested it again to the sari-sari store. This time, Joy started selling bottled gasoline. Seeing the potential of the business that Joy started, Garry resigned from his job and joined his wife instead. Together they worked for a living while taking care of their children.
The couple, like all others, was not spared from challenges. Joy left home for a personal reason, thus, Gary has to continue running the business. The group loan term was about to end during that time, so Gary has to apply for a loan from RSPI using his name in place of Joy to be able to continue growing their business. After some time, Joy got back home and again joined her husband in their business.
From the income they generated from the store and with the loan from RSPI, they were able to build an extension for storage of soft drinks. Also, they were able to purchase on installment which they are now using for ice business.
At present, Garry is on his third loan cycle amounting to P11,000. He and his wife continue to sell in their sari-sari store while doing other businesses such as selling bottled gasoline in a nearby space, delivering soft drinks and bread to neighboring stores. Aside from trading, the couple is engaged in farm activities as much as they can. They have invested in three cows for breeding. Also, they grow corn during favorable season for additional income.
According to Garry, he used to drink liquor with friends in his younger years and it did him no good. Now, he is committed to improving the life of his family. He dreams of seeing his children finish their education. Through hard work, proper management of finances and faith to the Lord who gives strength, Gary and Joy have significantly improved their source of income. The small amount of money borrowed was managed wisely until it has increased to produce more income. From that simple chichiria vending having a daily sale of P500, the Bonifacios now are having an average daily sales of P3,500 during regular days and P5,000 during Saturdays and Sundays. The family, who used to live in their Auntie’s house, now has a home they call their own. A simple house it may be now, but with their continuous perseverance and hard work, surely they will do more and have more in the coming years.
SUCCESS STORY OF JENNIFER CERDAN CAHIGAS
Ako po ay si Jennifer Cerdan Cahigas 39 taong gulang, ipinanganak noong ika-25 ng Marso 1974 sa Barangay Sabling, Anda, Pangasinan. Kasal kay Ermie Caniedo Cahigas at may 6 na anak.
Noon bago humiram sa RSPI
Nagsimula ako sa simpleng may bahay at kumikita lamang po ang aming pamilya sa pangingisda-gamit ng aming bankang de-sagwan, ng halos kasya lamang sa aming panggastos.
Ng dumating ang programa ng RSPI dito sa aming barangay, ako ay nahikayat na sumapi upang makahiram ng dagdag puhunan sa aming negosyo na pangingisda. Sa awa ng Diyos naayos at napahaba ang aming baklad. Dahil dito gumanda at lumaki an gaming kita at nadagdagan pa ang dati naming baklad ng dalawa pang bagong baklad. Kinaya narin naming makabili ng bangkang de motor. At sa patuloy na panghihiram namin sa RSPI ay nadagdagan pa ang aming negosyo- nag aalaga na kami ng baboy. Sa tulog ng Panginoong Diyos at sa sipag at tiyaga naming mag-asawa ay napalago namin ang aming negosyo, sa ngayon meron na kaming dalawang inahing baboy. At noong nakaraang taon nakabili narin ako ng isang baka at sa ngayon ito ay may anak na. Muli akong nagpapasalamat sa RSPI sa patuloy na pagbibigay ng karagdagang puhunan at tiwala sa amin sa livestock loan.
Ngayong araw na ito, ika-6 ng Hunyo 2013 ako ay nasa 9 na cycle na sa RSPI. At ako po ay nakasali sa Php.20,000.00 general loan at Php.10,000.00 na livestock loan.
Sa patuloy na paglago ng aming negosyo ay unti-unti na naming naipapaayos ang aming bahay. Nagkaroon narin kami ng pagkakataon na makakuha ng hulog-hulugang motor (TMX 155) upang makatulong sa pangtransportasyon ng aming negosyo. At dagdag pa rito, patuloy na naming napagpapa-aral ang aming mga anak.
Kaya ako at ng aking asawa ay lubos na nagpapasalamat sa RSPI sa karagdagang kita na ipinagkakaloob sa amin. Hindi lamang sa negosyo kundi pati sa pangangalaga ng pamilya ng dahil sa mga itinuturo at mga activities na binibigay ng RSPI at nagpapasalamat din kami sa patuloy na paglago ng aming spiritual aspect sa aming buhay sa tulong naman ng mga pastora at Program Assistant at gumagabay at nagbibigay payo hindi lamang sa akin kundi sa lahat ng kasapi ng Toritori Center ng RSPI.
Jennifer C. Cahigas (sgd.) and Ermie C. Cahigas (sgd.)
SUCCESS STORY OF JOSEFA GANIPAC
Kami po ay nakatira sa Poblacion Mankayan Benguet. Mahirap lamang po ang aming buhay, kaya naisipan kong mag-negosyo. Nagsimula po ako sa pagtitinda ng ice buko/ cream sticks, puto, bibingka at iba pang lutong bahay. Kung saan may okasyon doon ko dinadala ang aking paninda o kaya’y saan maraming tao. Tumagal naman ako ng limang taon sa pagbebenta. Pero patuloy parin akong nananalangin at umaasa na sana swertehin din ako. May naipon naman akong kaunti kaya naisipan kong magsimula ng sari-sari store sa bahay. Hindi parin sapat ang aking puhunan kaya’t naisipan kong umutang sa RSPI ng pandagdag puhunan. Dahil naabot ko na ang 4th cycle, naisipan kong humiram ulit sa RSPI ng livestock loan para maparami ko ang aking alagang baboy. Maliban pa doon, meron narin akong negosyong dry goods.
Salamat sa awa ng Maykapal at tulong ng RSPI dahil unti-unting lumalago ang aking negosyo.
SUCCESS STORY OF VIOLETA B. CORPUZ
Si Ginang Violeta B. Corpuz, 43, nakapagtapos ng kursong B.S. Accountancy, asawa niya si Richard I. Corpuz, 44, high school graduate. May anak na dalawa-sina Joey B. Corpuz,16, high school graduate at Jessa Mae B. Coarpuz, 13, ngayon ay nag aaral sa high school.
Si Ginang Violeta B. Corpuz ay isa sa limampu’t apat na miyembro ng Gais, Guipe 2 ng Alaminos Branch. Siya ay naka limang cycle na ng loan sa RSPI. Bawat loan ni Ginang Corpuz ay ginagamit niya sa pandagdag puhunan niya sa isang munting negosyo sa palengke ng bayan ng Dasol, Pangasinan. Sa bawat pag-ikot ng kanilang kabuhayan, ang kanilang maliit na negosyo ay unti-unting lumalago. Ang kanilang pwesto sa Dasol ay siya ring naging daan sa unti-unting pagbabago ng kanilang pamumuhay. Ang kanilang barong-barong ay unti-unting nabubuo at nagiging bahay na bato.
Hindi naging hadlang ang kahirapan sa buhay ni Ginang Violeta, at hindi rin naging hadlang ang kahirapan upang bumuo ng isang pangarap. Kahirapan sa buhay ang siyang humulma sa kanya upang maging matatag sa buhay. Kahirapan din ang sumubok sa kanya upang maging matalino at mahusay sa pagpapalago ng kanyang negosyo.
Si Ginang Corpuz ay isang mabuting miyembro ng RSPI na kahit sinubok man ng panahon patuloy parin siyang matatag at tumatayo. Dahil sa dagdag puhunan na galing sa RSPI ang buhay niya ngayon ay umuunlad na.
SUCCESS STORY OF ADORACION S. AQUINO
Ako po si nanay Adoracion S. Aquino. Nakatira sa Barangay Magtaking, San Carlos City, Pangasinan. Ako po ay matagal ng kliyente ng RSPI. Dahil sa RSPI natuto akong magnegosyo at sa ngayon mayroon na akong canteen na pinagkakakitaan. Nakapagpatayo narin ako ng aking bahay at meron narin akong babuyan. Salamat sa tulong ng ating Maykapal dahil hindi niya ako pinapabayaan sa aking negosyo at patuloy pang lumalago ito. Para pandagdag kita, bumibili rin ako ng bote at plastic. At sa tulong din ng RSPI, kasalukuyang nag aaral ang aking anak sa college. Kaya labis akong nagpapasalamat sa programa ng RSPI, proud ako dahil hindi ako nagkamali ng sinalihan.
Sana marami pang matulungan and RSPI. God Bless us.
Nanay Adoracion S. Aquino (sgd.)