SUCCESS STORY OF JOSEFA GANIPAC
Kami po ay nakatira sa Poblacion Mankayan Benguet. Mahirap lamang po ang aming buhay, kaya naisipan kong mag-negosyo. Nagsimula po ako sa pagtitinda ng ice buko/ cream sticks, puto, bibingka at iba pang lutong bahay. Kung saan may okasyon doon ko dinadala ang aking paninda o kaya’y saan maraming tao. Tumagal naman ako ng limang taon sa pagbebenta. Pero patuloy parin akong nananalangin at umaasa na sana swertehin din ako. May naipon naman akong kaunti kaya naisipan kong magsimula ng sari-sari store sa bahay. Hindi parin sapat ang aking puhunan kaya’t naisipan kong umutang sa RSPI ng pandagdag puhunan. Dahil naabot ko na ang 4th cycle, naisipan kong humiram ulit sa RSPI ng livestock loan para maparami ko ang aking alagang baboy. Maliban pa doon, meron narin akong negosyong dry goods.
Salamat sa awa ng Maykapal at tulong ng RSPI dahil unti-unting lumalago ang aking negosyo.